Mga bagay na dapat ninyong malaman kapag gumagamit ng serbisyo ng isang ahensiyang pang-empleyo
- Hindi kinakailangan ng Pamahalaan ng Hong Kong Special Administrative Region na ang mga dayuhang kasambahay ay mula sa mga ahensiyang pang-empleyo (AP) upang makakuha ng trabaho. Subalit, maaaring may ibang patakaran ang pamahalaan ng inyong bansang pinagmulan. Mangyari lamang na kumunsulta sa Kinatawang Konsulado ng inyong pamahalaan sa Hong Kong kung kayo ay may mga katanungan.
- Ayon sa batas ng Hong Kong, ang sinuman na nagnanais magbigay ng serbisyo bilang isang ahensiyang pang-empleyo ay kailangang kumuha ng lisensiya mula sa Komisyon ng Paggawa (Commissioner for Labour). Dapat ninyong siguruhin na ang AP ay may karampatang lisensiya bago ninyo gamitin ang serbisyo nito. Maaari ninyo itong masiyasat online (sa Intsik / Ingles lamang).
- Ayon sa Kautusang Pang-empleyo at mga Regulasyon ng Ahensyang Pang-empleyo, ang pinakamataas na komisyon na maaaring singilin ng isang AP mula sa isang aplikante ng trabaho ay halagang hindi lalampas sa katumbas na 10% ng unang buwang sahod pagkatapos ng matagumpay na pag-empleyo. Ang kundisyon ay nauukol sa lahat ng mga aplikante ng trabaho.
- Ang inyong AP ay binabawalang sumingil ng anumang bayad o mga gastusin, diretsahan man ito o hindi, na may kaugnayan sa pag-pupuwesto ng trabaho maliban lamang sa kumisyong naitakda na ipinapatupad (na sa kasalukuyan ay naitakda sa 10% ng inyong unang-buwang sweldo pagkatapos ng matagumpay na pag-empleyo). Upang maprotektahan ang inyong sarili, dapat kayong makakuha ng resibo mula sa AP pagkatapos ninyong magbayad ng kumisyon.
- Kung kayo mismo ay naghihinala o nagdududa na sumisingil ng sobra ang isang AP, ipagbigay-alam agad sa Administrasyon ng Ahensiyang Pang-empleyo Employment Agencies Administration (EAA) sa lalong madaling panahon.
- Ayon sa Part XII ng Ordinansa sa Pagtatrabaho, ang pag-uusig ng mga pagkakasala tungkol sa paniningil ng sobra sa mga aplikante at walang lisensya na operasyon ng mga ahensya ng pagtatrabaho ay dapat gawin sa loob ng 12 buwan pagkatapos ng petsa ng pagkakasala. Iulat agad ang iyong kaso sa awtoridad upang maiwasan ang pagkaantala.